Inaasahang masisimulan na sa buwan ng Oktubre ang rehabilitasyon ng 4 na EDSA Busway station kung saan ihahalintulad ito sa modernong disenyo na nasa bahagi ng North Avenue ayon sa Department of Transportation.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, inaasahan na masisimulan sa buwan ng Oktubre ang pagsasaayos ng Monumento, Bagong Barrio, North Avenue, at Guadalupe Busway Stations bilang bahagi ng Phase 1 ng proyekto.