Binigyang-diin ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin na wala siyang kinalaman sa insertions na umano’y ilegal na ginawa sa 2025 national budget.
Kaugnay ito ng inihayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na, batay sa impormasyong ibinigay ni dating Department of Public Works and Highways Usec. Roberto Bernardo, nagpahiwatig umano si ES Bersamin ng kaniyang kahandaan na asikasuhin ang P52 billion pesos mula sa P100 billion pesos na halaga ng mga insertion.






















