Iginiit ng Department of Public Works and Highways na kailangan na ng master plan para sa drainage system ng Metro Manila.
Ginawa ang pahayag nang humarap ang kagawaran sa isang briefing sa House Committee on Public Accounts kaugnay ng mga proyektong imprastraktura ng DPWH kabilang na ang flood control at drainage projects ng pamahalaan.