Binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte na walang epekto kung sino ang magiging prosecutor sa kaso ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC.
Ito ay kasunod ng ulat na nadiskuwalipika si ICC Prosecutor Karim Khan sa kaso, dahil umano sa conflict of interest.






















