Naniniwala si National Security Adviser Eduardo Año na palusot lang ng China na gawing nature reserve ang Bajo de Masinloc upang okupahin ang naturang bahura.
Bukod dito, ginagamit din aniya ng China ang bagong taktika na live fire exercise para takutin at sindakin ang mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc at maging ang mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na naghahatid ng tulong.