Umaapela ng tulong ang Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR sa Kongreso para masugpo ang illegal online gambling operators.
Ginawa ang apela sa pagpapatuloy ng deliberasyon ng House Committee on Appropriations sa panukalang pambansang pondo para sa 2026.