Nagbigay ng katiyakan si Department of Finance Sec. Ralph Recto na susunod ang pamahalaan kung ipag-uutos ng Korte Suprema na ibalik ang P60-B na halaga ng pondo sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.
Ginawa nito ang pahayag nang tanungin ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno kaugnay ng isyu sa unang araw ng budget deliberation ng Kamara sa P6.793-T na halaga ng 2026 National Expenditure Program.