Naibenta na ang 3 sa 7 luxury vehicle ng mag-asawang contractor na sina Curlee at Sara Discaya, na nagbigay sa Bureau of Customs ng higit P38.2-M mula sa isinagawang public auction.
Pag-aaralan naman ng BOC ang pagtukoy ng panibagong floor price para sa mga hindi pa nabibiling sasakyan upang masiguro ang mas mataas na kita sa susunod na subasta.






















