Posibleng ilipat sa Education budget ang halos 270 billion pesos na panukalang pondo para sa flood control projects ng DPWH.
Ito ang inihayag ni Senate Finance Committee Chairperson Sherwin Gatchalian sa gitna ng mga umano'y red flags sa National Expenditure Program o NEP.