Nagpapasalamat ang Regional Incident Management Team o RIMT at Office of Civil Defense Central Visayas sa patuloy na pagnanais ng publiko na tumulong sa mga apektado ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu.
Gayunman, nanawagan ang mga ito na makipag-ugnayan muna sa mga lokal na pamahalaan o sa Incident Management Team sa Bogo City Central Terminal bago magsagawa ng pamamahagi ng tulong upang maging maayos at ligtas ang distribusyon ng tulong.