Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang pagrerebisa sa guidelines ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program.
Ayon kay DSWD Usec. Adonis Sulit, kasabay ng pagpapatupad ng mas malinaw na proseso, isasama na rin sa bagong patakaran ang mahigpit na pagbabawal sa presensiya ng mga politiko tuwing namamahagi ng tulong.