Naglabas ng Blue Alert Status ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa magiging epekto ng Bagyong Isang.
Nag-activate na rin ng Virtual Emergency Operations Center ang NDRRMC upang masiguro ang maayos na koordinasyon ng bawat ahensiya na tutugon sa emergency.