Walang naitalang aberya o untoward incident ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagdaraos ng ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay NCRPO Director Police Major General Anthony Aberin, payapa at maayos na natapos ang talumpati ng pangulo.