Hindi pa ilalabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga pangalan ng mga umano’y sangkot sa mga maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ito’y dahil hindi pa tapos ang imbestigasyon.
Tiniyak naman ng Palasyo na handang magpaimbestiga si PBBM kung may iba pang anomalya sa pamahalaan.