Dapat pangalanan ang mga opisyal at indibidwal na sangkot sa umano’y anomalya sa flood control projects ng gobyerno.
Ito ang panawagan ni Senate Deputy Minority Leader Juan Miguel Zubiri kaugnay ng nakatakdang pagdinig sa Senado.
Suportado rin ng senador ang pagsasagawa ng joint investigation ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mabigyang-linaw ang isyu.