Dumadami pa ang mga pantalan na nakakapagtala ng kanselasyon ng byahe ng mga barko kahit nasa Northern Luzon na ang Bagyong Crising.
Ayon sa Philippine Coast Guard, ito’y dahil sa matataas na alon dulot ng bagyo at habagat kaya pansamantalang ipinagbabawal muna ang paglalayag, lalo na ng maliliit na bangka.