Nagpalabas ng storm surge warning ang DOST-PAGASA kaugnay pa rin ng epekto ng Super Typhoon Nando sa bansa.
Base sa 8 a.m. advisory ng PAGASA ngayong araw ng Lunes, mataas ang banta ng storm surge o daluyong sa loob ng susunod na 24 na oras na lubhang delikado para sa mga naninirahan sa baybaying dagat at mabababang lugar.