Handang sumunod ang Meta at TikTok sa bagong batas ng Australia na nagbabawal sa mga kabataang wala pang 16 na taong gulang na gumamit ng social media simula December 10.
Sa ilalim ng batas, kailangang tanggalin ng mga platform tulad ng Facebook, Instagram, at TikTok ang lahat ng account ng mga menor de edad.






















