Dapat umanong tanggalan ng lisensya ang mga US TV network na patuloy na kumokontra at naninira kay US President Donald Trump.
Ito ay matapos na kanselahin ng isang TV network ang isang kilalang late-night TV show matapos magsalita ang host nito laban sa napaslang na conservative influencer na si Charlie Kirk.