Sa tulong ng Members Church of God International, naipagkaloob sa Tanglaw Pag-asa Youth Rehabilitation Center sa Bulacan ang kanilang kahilingang magkaroon ng mga T-shirt na maaaring gamiting uniporme tuwing may okasyon.
Kasabay nito, nagsagawa rin ang MCGI ng libreng feeding program para sa mga staff at mga kabataang pansamantalang nanunuluyan sa nasabing pasilidad.