Inilagay ng Land transportation Office o LTO sa alarma ang isang SUV na sangkot sa isang insidente ng hit-and-run, noong July 11 sa Commonwealth Avenue.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, natukoy na nila kung sino ang may-ari ng SUV at napadalhan na ito ng show cause order.