Mas tumitindi ang bakbakan sa hardcourt ng mga koponan sa UNTV Cup Executive Face Off 2025.
Pinagana ng PNP Responders ang kanilang do-or-die play mindset para ipanalo ang laban kontra sa NHA Home Masters.
Ang defending champion naman na Senate Sentinels, nag-bounce back mula sa 16-point deficit kontra sa GSIS Furies upang maitala ang kanilang unang panalo.
Habang ang AFP Cavaliers, tinambakan ng 38 points ang Executive Branch Commanders para manatiling undefeated sa liga.