Nakiisa na ang lahat ng mga matataas na opisyal sa mga ahensya sa ilalim ng Department of Transportation na inatasang makiisa sa commute challenge ni acting Secretary Giovanni Lopez.
Ayon kay Lopez, layon ng commute challenge na maranasan ng mga opisyal ang hirap na dinaranas ng mga commuter at makabuo ng tamang polisiya sa sektor ng transportasyon.