Sa gitna ng kontrobersya sa flood control projects, lumutang ang usapin sa pangangailangan ng mas mahigpit na regulasyon o batas laban sa mga mapagsamantalang contractor.
Ilang beteranong senador ang nagpahayag na ng interes na isulong ang mas istriktong polisiya na magbabantay sa mga contractor na pumapasok sa mga proyekto ng pamahalaan.