26 billion pesos umano ang halaga ng flood control projects na nakalaan sa lalawigan ng Cebu, pero hindi pa rin nito napigilan ang mga pagbaha mula sa pananalasa ng Bagyong Tino.
Ito ang pahayag ni Cebu Governor Pam Baricuatro sa kaniyang Facebook account kahapon kaugnay ng malawakang pagbaha na naranasan sa lalawigan.






















