Nilamon ng malaking apoy ang mahigit 170 gusali sa Saganoseki District sa Oita City, Southern Japan, na sumiklab noong Martes ng gabi, November 18.
Ayon sa mga awtoridad, umabot sa 49,000 sq. m ang nasunog at napilitang lumikas ang 175 residente dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.























