Sabay-sabay na bumisita ang magkakapatid na Duterte sa kanilang ama na naka-ditene sa International Criminal Court.
Sa isang video na pinost ng isa sa taga-suporta ng kanilang pamilya, makikita na magkakasamang dumalaw sina Vice President Sara Duterte, Cong. Paolo Duterte, Davao City acting Mayor Baste Duterte at bunsong kapatid nila na si Veronica 'Kitty' Duterte.