Naunahan na ng DOJ Beacons sa team standings ng elimination round ng UNTV Cup Executive Face-Off ang SSS Pension Boosters matapos silang talunin sa kanilang laban.
Samantala, nananatiling nasa top 2 at undefeated ang AFP Cavaliers matapos tambakan ng 52 points ang BIR Nation Builders, habang nakalusot naman ang BJMP Greyhounds sa dikit na laban kontra PNP Responders.