Sinisilip na ng Land Transportation Office ang mga sasakyan ng 15 construction company na umano’y sangkot sa flood control project anomaly, alinsunod sa guidance ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
Samantala, nilinaw ng LTO na walang utos na hulihin ang mga lumang modelo ng sasakyan, maliban na lamang kung may paglabag tulad ng pagpapalit ng makina nang walang kaukulang dokumento.






















