Ngayon pa lang ay nagsasagawa na ng pre-disaster risk assessment ang lalawigan ng Cagayan kaugnay ng posibleng epekto ng inaasahang super typhoon na papasok sa bansa na Bagyong Uwan.
Ayon sa head ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, ia-activate nila ang walong incident management team para magbantay at mag-ulat ng sitwasyon sa mga dadaanan ng bagyo.























