Naglabas ng pahayag si Laguna 4th District Representative Benjamin Agarao Jr. matapos itong maisama sa pinangalan ng mag-asawang Discaya na umano’y tumatanggap ng pera mula sa mga proyekto sa flood control.
Ayon sa social media post ng mambabatas, itinanggi nito na humingi siya ng pera sa mga Discaya kapalit ng proyekto sa distrito ng Laguna.