Kinumpirma ng Philippine Consulate Office sa Hong Kong na nasawi ang isang 35-anyos na turista matapos itong masangkot sa isang vehicular accident sa Tsuen Wan West, Hong Kong kahapon, August 5, 2025.
Tinutulungan na ng konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong ang pamilya ng biktima upang ayusin ang pagpapauwi ng mga labi nito.