Aminado si House Deputy Speaker, Antipolo 1st District Rep. Ronaldo Puno na isang hamon ang pagpapasa ng panukalang Constitutional Convention o ConCon para amyendahan ang saligang batas.
Subalit ayon sa kongresista, panahon na para i-update ang konstitusyon dahil ugat ng maraming sigalot ngayon ang mga salita sa saligang batas na malabo gaya ng ‘forthwith’.