Marami pang kailangang daanan bago maaprubahan ang hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang kalayaan.
Ito ay kahit pa may nakausap na si Vice President Sara Duterte na bansang handang tumanggap na kay FPRRD kung sakaling maaprubahan na ng ICC ang hiling na interim release.