Bukod sa Department of Public Works and Highways, hiniling din ng Senate Blue Ribbon Committee sa Department of Justice na maglabas ng immigration lookout bulletin order para sa ilang isinasangkot sa anomalya sa flood control projects.
Kasunod ito ng nakuhang impormasyon ng komite na ilan umanong contractor ay lumabas na ng bansa.