Patuloy na mino-monitor ng Department of Tourism ng sitwasyon sa Davao region matapos ang magkakasunod na lindol na tumama sa baybayin ng Manay, Davao Oriental noong October 10.
Ayon sa ulat ng DOT Region 11, wala namang naitalang nasawi o na-stranded na turista, ngunit ilang tourism establishment sa Davao Oriental ang nagtamo ng bahagyang pinsala kaya pansamantalang sinuspinde ang operasyon habang isinasagawa ang pagsusuri.