Sang-ayon ang ilang mga mambabatas sa posisyon ni Department of Justice Sec. Crispin Remulla na dapat munang isauli ng mga sangkot sa katiwalian ang pera bago makapasok sa Witness Protection Program ng pamahalaan.
Kabilang sa naunang binanggit ng DOJ ay ang mag-asawang Discaya na umano'y kumita mula sa mga proyekto sa flood control.