Nakatakdang talakayin bukas ng Senado ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte. Ito ang unang pagkakataon na tatalakayin ang isyu matapos ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang articles of impeachment na inendorso ng Kamara.
Ngunit apela ng ilang kongresista, huwag itong madaliin upang mabigyang-daan ang masusing pag-aaral at deliberasyon sa usapin.