Inihayag ni Philippine Coast Guard Capt. Xerxes Fernandez sa pagdinig ng Senado kahapon na naghihigpit na ang PCG sa kanilang proseso ng pagsasala partikular na sa mga nais maging miyembro ng PCG Auxiliary.
Kasunod ito ng pagkwestyon ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros kung bakit naging miyembro ng PCGA ang ilang Chinese nationals.