Kinansela ngayong Lunes, November 3, ang ilang flights mula at papuntang Siargao at Surigao dahil sa masamang panahon na dulot ng bagyong Tino.
Pinapayuhan ng mga awtoridad ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kani-kanilang airlines para sa bagong schedule ng kanilang mga flight.






















