Nakahanda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paimbestigahan ang iba pang anomalya sa gobyerno bukod sa isyu ng flood control projects.
Tiniyak ito ni Palace Press Officer Claire Castro.
Pero paglilinaw ng opisyal na hindi ito pagbabanta kundi paalala mula sa pangulo upang matiyak na magiging transparent ang paglalaan ng mga pondo para sa taong 2026.