Nakatakdang isagawa bukas, August 6, ang kauna-unahang organizational meeting ng House Committee on Human Rights.
Bago ito, nanawagan ang chairperson ng House panel na si Manila 6th District Rep. Benny Abante sa Kamara na muling tipunin ang Quadruple Committee para sa mas malawak na mandato kabilang na ang imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungeros.