Pinaalalahanan ang mga miyembro ng Kamara na iwasan ang pagsusuot ng magagarang damit sa pagbubukas ng sesyon ng 20th Congress at sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, July 28.
Kinumpirma rin ng tagapagsalita ng House of Representatives na tuloy ang nakatakdang schedule ng pagbubukas ng sesyon at SONA sa kabila ng masamang lagay ng panahon sa malaking bahagi ng bansa.