Nasa higit 53,000 na mga websites na may kaugnayan sa online sabong ang na-take down na ng Department of Information and Communications Technology, ayon kay Secretary Henry Aguda.
Ayon sa kalihim, agad inaaalis ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ang URL o Uniform Resource Locator ng isang website na may kaugnayan sa online sabong.