Tatlong proyekto sa loob mismo ng compound ng Land Transportation Office ang nakuha ng kumpanyang may kaugnayan kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Nagkakahalaga ito ng nasa halos dalawang bilyong piso.
Ayon kay LTO Chief Asec. Markus Lacanilao, bagamat tapos ang mga gusali, hindi naman ito magamit dahil sa kakulangan ng mga equipment.