Away ng mga angkan o rido sa pagitan ng dalawang local group at hindi pag-atake o siege ang nangyaring gulo sa bayan ng Tipo-Tipo sa Basilan kahapon.
Ayon sa Philippine Army, nagsimula ang away sa pagkamatay ng dating rebelde na nagbalik-loob na sa pamahalaan na si Nadzri Asdana Tarahin, isang Islamic teacher at kagawad ng Barangay Baguindan.






















