Agad na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkilos ng mga kinauukulang ahensya upang rumesponde sa mga lugar na naapektuhan ng malakas na lindol sa Cebu.
Ilang kalihim na rin ng pamahalaan ang bumisita sa mga apektadong lugar upang magbigay ng tulong at suriin ang naging epekto ng lindol at ng mga aftershock.