Agad nang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkilos ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan upang rumesponde sa mga lugar na naapektuhan ng malakas na lindol sa Cebu.
Tiniyak naman ng Department of Budget and Management o DBM na may sapat na pondo ang pamahalaan para sa mga pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng kalamidad.