Muling dumalaw sina Kitty Duterte at Honeylet Avanceña sa ICC detention facility upang kamustahin si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon kay Kitty, nasa maayos na kondisyon ang dating pangulo kahit 5 buwan na itong nakakulong. Nanatili umano itong masigla at malinaw ang pag-iisip, bagaman nakakaramdam ng lungkot dulot ng edad.