Maayos na nagpaalam si dating Public Works and Highways Sec. Manuel Bonoan bago umalis ng Pilipinas ayon sa Department of Justice.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, nagpaalam ang dating kalihim upang asikasuhin ang medikal na pangangailangan ng asawa na sasailalim sa operasyon sa Amerika.






















